Viral na Basurero, Nahanap ng Nagpakilalang Kapatid

advertisement


Matapos mag-viral ang ang kwento ni Dennis Pascual, may nagpakilalang kapatid niya na nais siyang nakilala.
Half-American daw umano si Dennis na tanging pangangalakal na ang ikinabubuhay.

Marami ang nakapansin sa kanya matapos ang makeover dahil sa mala-artista niyang awra. Hangad ng marami na sana'y tuloy-tuloy na ang tulong na matanggap nito upang hindi na siya bumalik sa pangangalakal.



Mabilis na nag-viral ang video at larawan ng makeover sa palaboy na lalaki sa Pampanga na si Dennis Pascual.

Sa Part 2 ng video ni Richard, muli nilang hinanap si Dennis upang ipamili ng mga damit. Sinabi na rin niya rito na marami ang nakakita sa mga larawan nito sa social media kabilang na rito ang nagpakilalang kapatid na si Jimmy Pascual.



Nabanggit din sa naturang video na isa pala umanong half-American si Dennis. Inaasahang sa susunod na vlog ni Richard ay ibabahagi na nito ang pagkikita ni Dennis at ang sinasabing kapatid nito.

advertisement
Viral na Basurero, Nahanap ng Nagpakilalang Kapatid Viral na Basurero, Nahanap ng Nagpakilalang Kapatid Reviewed by Jologs on February 08, 2021 Rating: 5