Sosyal na Akyat Bahay Nakatulog sa Kwarto ng Bahay na Nilooban, Pinaandar pa ang Aircon

advertisement

May mga pangyayari na gaya ng isang magnanakaw na parang nanghina at tinamad na at tila nalimutan na nito ang umalis sa bahay na nilooban nya na bahay.


Makikita sa larawan, ang eksina na nangyari sa katabi nating bansa na thailand na ang lalaki sa larawan ay naabutan ng may-ari ng pinaglooban ng lalaki sa larawan habang ito ay nasa kalagitnaan ng pagtulog.

Nang maabutan ng may ari ang kawatan ay wala na itong kawala sa  may ari dahil alagad pala ng batas ang kanyang nalooban.


Noong gumising na ang pulis, napansin niya na naka-on ang aircon sa loob ng kwarto ng kanyang anak gayong hindi naman ito umuwi. Kaya naman, dumaan siya sa bintana ng nasabing kwarto at ng makapasok siya dito, nadatnan ang isang lalaking hindi niya kilala na mahimbing na natutulog sa kama ng anak.

dali dali  nagsisigaw ang may aring bahay dahilan upang maalimpungatan ang magnanakaw na tila may masarap na panaginip pa at parang hindi pa alam kung nasaan siya.



Nang dumating angmga alagad ng batas sa nasabing bahay ay agad nahuli ang nakatulog na magnanakaw. makikita din na wala pang suot na damit ang magnanakaw ,humaharap ang magnanakaw ngayon sa mga magkasunod na kasong burglary at trespassing.
advertisement
Sosyal na Akyat Bahay Nakatulog sa Kwarto ng Bahay na Nilooban, Pinaandar pa ang Aircon Sosyal na Akyat Bahay Nakatulog sa Kwarto ng Bahay na Nilooban, Pinaandar pa ang Aircon Reviewed by Ylmas on March 27, 2021 Rating: 5