Senior citizen, biglang naiyak matapos makakuha ng ayuda sa isang community pantry

advertisement


Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang matandang babae na nakapila sa isang community pantry sa Calamba City. Ngunit umantig sa damdamin ng marami ang pag-iyak ni lola nang maabutan na ito ng tulong.

Naiyak ang isang matandang babae matapos siyang makakuha ng ayuda sa isang community pantry, Nag-alala raw ang mga naroon nang bigla itong umiyak at tinanong kung sapat na raw ba ang nakuha nito.



Ayon kay lola, masaya lang siya na may ipangtatawid-gutom na siya sa ilang araw, Nitong nakaraang linggo ay sunod-sunod na naglitawan ang mga community pantry sa bansa.

Naiyak ang isang matandang babae matapos makakuha ng ayuda mula sa isang community pantry sa Calamba City, Laguna.

Batay sa Facebook post ng Calamba Bayan Community Pantry, nag-alala ang mga taong naroon nang bigla nalang umiyak ang matanda.



Tinanong pa nila ito kung sapat na ba ang nakuha nitong tulong mula sa community pantry at inalok pa ito.
Ngunit tumanggi pa raw si lola na dagdagan at nakuha dahil sapat na iyon sa kanya. Naiyak lang daw ito dahil sa labis na tuwa.

Narito ang kabuuan ng FB post ng Calamba Bayan Community Pantry:


advertisement
Senior citizen, biglang naiyak matapos makakuha ng ayuda sa isang community pantry Senior citizen, biglang naiyak matapos makakuha ng ayuda sa isang community pantry Reviewed by Ylmas on April 28, 2021 Rating: 5