Ipon ng 4 taon gulang na bata, nakatulong sa panganganak ng ina

advertisement


Hinangaan ng maraming netizen ang isang apat na taong gulang na batang babae na si Althea sa murang edad ay natuto na itong mag-ipon mula sa inaabot na kaunting barya ng kaniyang mga kaanak, nakatulong rin ito sa panganganak ng kaniyang ina at sa kaniyang magiging kapatid. ang mag-anak ay tubong Lanao Del Norte.


At ang kaniyang munting ipon ay nakatulong sa gitna ng kanilang kagipitan, si Althea ay naka ipon ng mahigit Php1,500. Taong 2018 pa natuto ang batang si Altea na mag ipon kwento ng kaniyang tita kaya raw ito natutong mag ipon dahil para raw talaga ito sa kaniyang pag-aaral at ang kaniyang maiipon ay gagamitin sa kaniyang pambili ng gamit sa paaralan.

Ngunit dahil sa kagipitan ng kaniyang mga magulang na hindi alam kung saan kukuha ng pandag-dag upang magamit sa panganganak ng kaniyang ina, ay inilabas ng batang si Althea ang kaniyang naipon upang ibigay sa kaniyang mga magulang, dahil naisip nito na mas kailangan ito ng kaniyang mga magulang at saad niya muli nalang ulit siya mag-iipon ng pera.

Nagpasalamat naman sa tuwa ang kaniyang mga magulang dahil sa murang edad ay lumalaki itong nakapabuting bata. ibinahagi naman ng kaniyang tita ang mga kuhang larawan ng batang si Althea upang maging inspirasyon sa mga kabataan na kahit sa murang edad ay natututo nang mag-ipon dahil ikanga na nila sa kasabihan ng mga matatanda "kung may isinuksok may idudukot"

advertisement
Ipon ng 4 taon gulang na bata, nakatulong sa panganganak ng ina Ipon ng 4 taon gulang na bata, nakatulong sa panganganak ng ina Reviewed by Ylmas on June 14, 2021 Rating: 5