Viral na tiktok video ng isang guro, pina-iimbestigahan na ng DepEd dahil sa ‘potential child abuse action’ nito

advertisement


Ipinag-utos na ni Secretary Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) sa regional director ng DepEd-Central Luzon ang agarang imbestigasyon sa isang viral TikTok video na nagpapakita umano ng “potential child abuse action.”

Sa video, kitang sumasayaw ang isang lalaking guro habang may caption na “Pag dumaan yung cute na student mo, tamang pa cute lang”.

Ayon sa Department of Education (DepEd), bilang mga guro at kawani ng gobyerno, dapat gawing ligtas at may pag-aaruga ang learning environment ng mga kabataan, kung saan ang pisikal, verbal, seksuwal, at iba pang uri ng mga pang-aabuso at diskriminasyon ay dapat na talikuran.

Ayon pa kay Briones, ang DepEd ay isang institusyon na nagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng bawat Pilipinong mag-aaral at hindi papayagan ang ano mang pang-aabuso sa mga kabataang mag-aaral.

Narito ang opisyal na pahayag ng Department of Education hinggil sa isyu:

advertisement
Viral na tiktok video ng isang guro, pina-iimbestigahan na ng DepEd dahil sa ‘potential child abuse action’ nito Viral na tiktok video ng isang guro, pina-iimbestigahan na ng DepEd dahil sa ‘potential child abuse action’ nito Reviewed by Ylmas on November 05, 2021 Rating: 5