Ama, matiyagang naghahanap-buhay para sa pamilya kahit pa baldado.
Mayroong mga tao na kahit may kapansanan ay nanatiling nagsisikap para
makapag-hanap buhay ng marangal. Ngunit mayroon talagang mga tao na
walang puso na kahit walang kapansanan ay gumagawa ng masama sa kanilang
kapwa.
Ang kwento ng isang lalaking may kapansanan na taga
Tiaong, Quezon ay nagsilbing inspirasyon sa mga netizens lalo na’t noong
malaman ang kanyang naging mapait na karanasan.
Ang lalaki ay
kinilala bilang si Kuya George Belarmino. Siya ay isang tindero ng mga
prutas at gulay na sakay-sakay ng kanyang tricycle na naka-modified para
sa kanya dahil sa kanyang kapansanan.
Kahit
sa kanyang kondisyon ay nagsusumikap ito na makapagbenta nga mga
paninda sa kanyang mga suki. Ngunit nang malaman ng ibang masasamang tao
na mayroon itong kinikita, ay pinagkainteresan ang pera na kanyang
nakuha sa pagtitinda. Hinarangan ang kanyang tricycle at siya ay
ninakawan.
Siya ay sinaktan at maswerte lamang siya dahil siya
ay nakaligtas. Ilang araw din siyang nanatili sa ospital at nang lalabas
na ito ay prinoblema ng kanyang pamilya kung paano sila makakabayad
dahil ang tanging income ng kanilang pamilya ay ang kabuhayan ni Kuya
George na pagtitinda ng gulay.
Nang
malaman ng mga netizens ang istorya ni Kuya George, ay tinulungan ito
para makapagsimula muli at nagdonate sila ng pera para pambayad sa mga
gastusin niya sa ospital.
Dahil sa pagsisikap at determinasyon,
ay bumalik ito sa pagtitinda. Ngunit nang makita na kumikita muli ang
kanyang kabuhayan ay muli itong pinagkainteresan ng mga masasamang tao.
Pinagtangkaan din ang kanyang buhay maging ang buhay ng kanyang pamilya.
Walang perang natira upang makapag-pundar muli siya ngunit sa kabutihang palad ay muli siyang tinulungan ng ibang tao.
Ngayon, muling bumalik na si Kuya George sa marangal na paghahanap
buhay kahit na ganito man ang kanyang kalagayan at kahit ilang beses man
na may nangyaring masama sa kanya. Naging inspirasyon siya sa iba dahil
sa kanyang kasipagan kahit na siya man ay nakaranas ng mapait na
karanasan noon at nanatili pa rin siyang positibo sa buhay.

Post a Comment