Determinasyon ng isang estudyante hinangaan, Pinulot sa basurahan at nilabhan ang mga kagamitan para lamang makapag-aaral
Aminin man natin o hindi sa pag-aaral lalo na upang makatapos ng
kolehiyo sa ating bansa, ang isang estudyante ay nangangailangan ng
kagamitan at syempre perang maitutustos sa pag-aaral nito. Kung hindi ka
biniyayaan ng katalinuhan upang makapasok sa mga scholarship tiyak lalo
kang mahihirapan.
Pero
may kasabihan nga tayo “Kung ayaw maraming dahilan at kung gusto
maraming paraan”. Ganito marahil ang pinanghawakan ng isang estudyanteng
nakitaan ng determinasyon ng kanyang guro at kamag-aral upang
ipagpatuloy nito ang pag-aaral sa kursong criminology.
Ang
instructor na si Mark Angelo Donesa isang Martial Arts Instructor
tungkol sa isang 1st yr Criminology ay nagbahagi ng kwento sa social
media ng kanyang estudyanteng si Fritz Aldrin Arsalon ng University of
IloIlo. Maraming netizen ang naantig sa kalagayn ni Fritz dahil sa mga
kuhang larawan na ibinahagi ng guro nito.
Ayon
sa instructor ni Fritz sobra ang determinasyon ng bata upang
makapagtapos ng pag-aaral at balang araw na makamit ang pangarap nitong
maging isang pulis. Dagdag pa nito ang mga kagamitan na makikita sa
larawan na suot ng binata ay galing lamang sa basurahan at nilalabhan
nito upang may magamit pampasok sa eskwela.
Ikaw
ba naman ang dumating sa klase ng nakatsinelas lamang at sira ang bag,
maging ang pantalon na suot nito. Kaya naman naging agaw pansin ito
habang sila nagklaklase. Dahil dito nagtulungan sila na mga instructor
at nag-ambagan para mabilhan ng gamit si Arsalon na sinusupurtahan lang
ang sarili para makapag-aral. Dalawang pares ng shoes, 6 pants,5 White
shirt, bag, Groceries, at Cash ang naibigay para sa kanya.
Sa
ngayon umabot na libo libong shares at mabubuting komento na
pagpapalakas ng loob sa bata, pati paghanga ng iilan netizens. Hangad
din ng kanyang instructor na makapagtapos ito ng pag-aaral sa kabila ng
kahirapan sa buhay.

Post a Comment