Lalaki nagtrabaho bilang OFW sa loob ng 20 years, pag-uwi pabigat na umano ito sa pamilya
Masakit
isipin na sa kabila ng iyong pagsasakripisyo at pagtitiis sa ibang
bansa ay ganito lamang ang iyong kahihitnan sa iyong pagtanda. na
umaasang masusuklian ang iyong paghihirap dahil ibinuhos mo ito sa
pagtulong sa iyong tinuring na pamilya.
Kayod
kalabaw ang lalaking ito sa ibang bansa upang tulungan ang kanyang mga
kapatid at mga pamangkin upang patapusin sa pag-aaral, hindi na nagawa
pang magkaroon ng sariling pamilya
Sa
loob ng 20 years niyang pagta-trabaho bilang isang OFW ay tanging
pagtulong nalamang sa kanyang mga kapatid ang kanyang inatupag, hanggang
sa nagkaroon na ito ng kanya-kanyang mga pamilya ay patulog parin
siyang sumuporta sa mga ito.
Hindi
na namalayan pa na tumatanda na at unti-unti ng nanghihina ang
pangangatawan hanggang sa nag desisyon siyang umuwi na nang pilipinas
upang magpahinga na.
Dahil
hindi nagkaroon ng sariling pamilya ay umuwi siya sa pamamahay ng
kanyang mga kapatid, dala-dala ang naipong pera ay halos siya parin ang
tumotutos sa pangangailangan sa araw-araw hindi naglaon ay naubos ang
kanyang ipon.
Dito
na umano nag-umpisa magbago ang pakikitungo ng kanyang mga kapatid,
halos nagpaparinig na ang mga ito gayun din ang kanyang mga pamangkin na
tinulungan makapag-aral at makapag tapos ay halos bumaba na ang tingin
sa kanya.
Nakakarinig
narin ang lalaki mula sa kanyang pamilya na siya'y pabigat na kung
kaya't bago pa siya tuluyang maging pabigat ay umalis nalamang siya sa
puder ng kanyang mga kapatid at namalaboy nalamang mag-isa.
Saad
niya sa kanyang sarili mali man ang kanyang tinahak na landas at
tanging pagtulong man ang kanyang ninais upang mapabuti ang kalagayan ng
kanyang mahal sa buhay.
Malaking pag-sisisi naman ang kanyang natutunan dahil sa kabila ng kanyang pagtulong ay ganito pa ang isinukli sa kanya.
Narito ang post:
10,20 years abroad. Pinag-aral ang kapatid,anak,pamangkin.
Nong umuwi sa pinas at mag for good na ay walang gaanong ipon.
Umasa
sa anak,kapatid,pamangkin kasi sabi sila naman ang tutulong. Biglang
nag asawa si anak,kapatid,pamangkin.Naiwan kang windang Kung saan
kukunin ang araw araw na gastusin.
Sino ngayon ang kawawa?
Masaklap na katotohanan.
Wag ipagsawalang bahala.
Mag ipon
Mag plano
Mag siguro
Para hindi sapitin ang ganito...
Tandaan
na di masama ang tumulong pero kilangan magtira parin para sa sarili
para kahit papano may pera Kang maiuwi sa pinas. Di habang Panahon ay
malakas pa ang iyong pangangatawan. Di habang buhay ay bata pa, habang
tumatagal ay papunta tayo sa katandaan. Hihina ang ating pangangatawan
Kaya mabuting gawin ay mahalin ang sarili. Habang bata pa at malakas ang
pangangatawan ay mag Ipon at magpundar ng negosyo para kahit papano ay
may nakaalalay sayo kahit wala kana sa abroad. Maging masinop at
pahalagahan ang iyong sinasahod habang na sa abroad pa.
.
Post a Comment