"Sorry po kasi hindi po ako matalino" Isang nakakalungkot na liham mula sa isang Grade 3 student para sa kanyang mga magulang
Bilang
magulang nais nating maging mahusay at magaling ang ating mga anak sa
kanilang eskelahan ngunit may mga bagay din tayong nakakalimutan sa
kanilang pag aaral,
Umantig ng puso ang isang larawan ng isang
estudyante ng nag iwan ng sulat tungkol sa kanyang nararamdaman at
nararansan sa kanyang pag aaral.
Nang mabasa ng magulang ang
liham na isinulat ng anak sa kapirasong papel na nakasulat ang mga
salitang "mami and dadi sorry Po kasi hindi Po ako matalino"
"Good morning I love you"
Dahil
sa nakita ay hindi na napigilan pa ni Vivien na maiyak sa liham ng
anak. "Nadurog ang puso ko umagang umaga umiiyak ako" anito sa kanyang
post.
Sabay hingi ng patawad sa anak nito. "Sorry anak ko kung
iniisip mo na hindi ka magaling sa paningin namin ng daddy mo (sad)
Mahal na mahal ka namin"
Hindi na rin napigilang mahabag ng mga netizens na nakakita sa post ni Vivien dahil sa mga salitang binitawan ng anak nito.
Ayon
sa mga komento, mabuti na marunong magpahayag ng damdamin ang bata sa
murang edad pa lang. Mas madali daw makausap at masolusyonan ang
problema kapag ganito ang pag uugali ng bata.

Post a Comment